
Ang Wicked: For Good ay inaasahang kikita ng higit $200 milyon sa global opening weekend nito. Posibleng gumawa ito ng bagong record para sa film adaptations ng Broadway musicals.
Ayon sa Deadline, maaaring kumita ang pelikula ng $125M–$150M domestic mula sa 4,000 sinehan sa US at Canada, at mahigit $70M worldwide. Tinalo na nito ang unang Wicked na nagbukas sa $112.5M domestic at $164M global.
Babalik sina Ariana Grande at Cynthia Erivo bilang Glinda at Elphaba sa sequel. Sa kwento, si Elphaba ay tumatakbo bilang “Wicked Witch of the West,” habang si Glinda ay kinikilalang “Glinda the Good.”
Patuloy na sinusubok ang pagkakaibigan ng dalawa habang humaharap sila sa pagdating ni Dorothy, na magbibigay ng bagong hamon sa kanilang mundo.




