
Ang Air Supply ay magdaraos ng 50th anniversary shows sa Passi City, Iloilo at Calamba, Laguna ngayong January 2026. Ang sikat na soft rock duo ay nag-perform ng tatlong sold-out shows sa Solaire Grand Ballroom noong September.
Gaganapin ang Iloilo show sa January 11, 2026, 8:00 PM sa City of Passi Arena. Susundan ito ng Laguna show sa January 24, 2026, 8:00 PM sa Jose Rizal Coliseum. Ang ticket prices ay mula PHP 3,500 hanggang PHP 12,800, na may One-Day-Only Priority Sale sa November 26, 12:00 PM sa SISTIC kasama ang 10% discount. Magbubukas ang public sale sa November 27 sa Ticketworld at SISTIC.
Kasabay ng announcement ang paghahanda ng duo para sa bagong album ngayong December. Matapos ang kanilang sold-out three-night show sa Solaire, ibinahagi ni Graham Russell ang sikreto ng kanilang tagal sa industriya: “We just do what we love to do… We never try to be somebody else.”
Binuo noong 1975 sa Melbourne, Australia, ang Air Supply ay nakabenta na ng over 100 million records at kilala sa mga classic hits tulad ng “Lost in Love,” “All Out of Love,” “Every Woman in the World,” “The One That You Love,” at “Making Love Out of Nothing at All.”




