
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay muling nagpaalala na kailangan ang pahintulot ng ina para makakuha ng Travel Clearance Certificate (TCC) ng mga minors na bibiyahe papunta sa ibang bansa.
Ayon kay Katherine dela Cruz, social welfare officer ng Minors Traveling Abroad (MTA) office, may mahigpit na proseso ang DSWD para masigurong ligtas ang mga batang Pilipino laban sa trafficking at exploitation. Sinabi niya na kailangan ang personal na pagdalo ng ina sa interview kahit may pirma na ito sa consent form.
Binanggit din ni Dela Cruz na kailangan ang pahintulot ng ina para sa mga batang lalabas ng bansa para sa competition, study grant, o training sa ibang bansa. Nakabase ito sa Family Code, na nagsasabing ang ina ang may sole parental authority sa bata.
Kung nawawala ang ina, dapat kumuha ang ama o guardian ng social case study report mula sa lokal na social welfare office at police blotter bilang patunay ng sitwasyon ng bata.
Sinabi ng DSWD na handa ring tumulong ang kanilang regional offices para sa mga hindi makagamit ng MTA online system o walang internet connection.




