
Ang mga Pilipino ay nagulat sa pahayag ni Sen. Imee Marcos nitong Lunes nang akusahan niya ang kanyang kapatid, Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ayon kay Imee, nalaman niya at ng pamilya ang naturang bisyo at seryoso ito.
Bukod sa Pangulo, binanggit din ni Imee ang First Lady na si Liza Araneta-Marcos na diumano’y gumagamit din ng droga. Sinabi niya na mas lumala umano ang kanilang problema dahil parehong mag-asawa sila.
Hindi malinaw kung may ebidensya si Sen. Imee upang patunayan ang kanyang sinabi.
Samantala, tinawag ni Usec. Claire Castro na “desperadong hakbang” ang akusasyon ni Imee. Hinamon niya ang senadora na sa halip ay tumulong sa Pangulo sa paglilinis ng pamahalaan.
Ani Castro, walang basehan ang alegasyon dahil negatibo umano sa drug test ang Pangulo. Hinimok niya si Imee na ipakita kung ano talaga ang motibo sa kanyang pahayag.




