
Ang 161-taong San Juan Nepomuceno Parish sa San Remigio, Northern Cebu ay hindi na magagamit matapos masabing delikado ang istruktura dahil sa 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30.
Ayon sa opisyal na pahayag ng simbahan, malubha ang pinsalang natamo ng lumang gusali at hindi na ito puwedeng ayusin. Kumpirmado rin ng Mines and Geosciences Bureau ang pagkakaroon ng mga hukay at butas sa ilalim ng sahig ng simbahan.
Dahil dito, ipapalit ng Archdiocese of Cebu ang lumang simbahan at magtatayo ng bago na mas matibay, mas ligtas, at matatag para sa susunod na henerasyon.

“Hindi madaling desisyon ito. Naiintindihan namin ang malalim na koneksyon ng komunidad sa simbahan. Ang bawat bato at bawat upuan ay may kwento ng pananampalataya at sakripisyo ng mga taga-San Remigio,” ayon sa pahayag ng simbahan.
Habang sisimulan na ang bagong gusali sa mga susunod na linggo, hinihikayat ang lahat na alalahanin ang alaala at legasiya ng lumang simbahan. Ti




