Ang bagong Honda WN7 ay ang unang full-EV big bike na ilalabas sa 2026. Dati itong ipinakita bilang EV Fun concept, pero ngayon handa na para sa production. Sinabi ng Honda na magsisimula ang paggawa nito bago matapos ang 2025, at ipapakita sa mga showroom pagdating ng 2026.
Ang WN7 o Wind Naked 7 ay may CCS2 fast-charging port na gamit din ng mga electric cars. Kaya nitong mag-charge mula 20% to 80% sa 30 minuto, na may dagdag na 89 km range. Pwede rin itong i-charge sa bahay gamit ang 230V AC charger, na tumatagal ng 5.5 oras, o mas mabilis kung gagamit ng 6kVA wall charger na umaabot ng 2.4 oras.
Ang performance ng WN7 ay mas mabilis pa sa CB500 Hornet, kaya nitong mag-0 to 100 km/h sa 4.6 seconds. May 18 kW constant output, 50 kW peak power, 100 Nm torque, at top speed na 129 km/h. Ayon sa Honda, may 140 km range ito sa normal na takbo.
May mga premium parts ang WN7 tulad ng Pro-Arm swingarm, Showa USD forks, LED lights, traction control, ABS na may cornering ABS, regenerative braking, 5-inch TFT display, smart key, at forward/reverse walk mode. Nakaayos din ang high-voltage battery sa gitna para mas stable ang handling.
Inaasahang darating ang Honda WN7 sa Europe pagdating ng 2026. Wala pang anunsyo tungkol sa availability at presyo sa Pilipinas.







