Ang bagong Ducati Monster 2026 ay opisyal nang inilunsad, gamit ang pinakabagong 890cc V2 engine na kapareho ng nasa Panigale, Streetfighter, at Multistrada. Pinalitan nito ang dating 937cc Testastretta twin engine upang masunod ang Euro5+ emission standards.
Mas magaan na ngayon ang motor na may timbang na 175kg (walang laman ang tangke) at may lakas na 109.4hp sa 9000rpm at 67.2lb.ft ng torque sa 7250rpm. Mas mababa man nang kaunti sa lumang bersyon, mas maganda naman ang hatak sa kalsada. 80% ng power nito ay nagagamit mula 4000 hanggang 10,000rpm. May opsyon din para sa Termignoni exhaust para sa mas malakas na tunog.
Available ito sa Ducati Red at Iceberg White na kulay at darating sa mga dealer sa Europa pagsapit ng Pebrero 2026. Ang presyo ay nagsisimula sa humigit-kumulang ₱870,000, at may A2 license version para sa mga baguhan na may budget.
Ginamit din ng Ducati ang front frame design para sa mas matibay na chassis. May Showa suspension, Brembo brakes, at Pirelli Diablo Rosso IV tyres na angkop sa sporty road riding. Ang standard seat height ay 815mm ngunit pwedeng ibaba hanggang 775mm gamit ang accessories.
Kasama rin ang modernong electronics gaya ng traction control, wheelie control, cornering ABS, quickshifter, at cruise control. May 5-inch TFT display na may navigation at joystick control. May apat na riding modes: Sport, Road, Urban, at Wet. Tradisyonal pa rin ang manual key, bagay na magugustuhan ng mga purist riders.







