
Ang Microsoft ay nagbigay ng pahiwatig na ang susunod na Xbox console ay magiging ultra-premium at high-end na gaming experience. Ayon kay Xbox president Sarah Bond, ito ay magiging “very premium, very high-end curated experience.”
Sa panayam, binanggit din ni Bond ang bagong ROG Xbox Ally X handheld na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱57,000, bilang halimbawa ng direksyong gustong tahakin ng Microsoft para sa kanilang susunod na produkto. Dahil dito, maraming Xbox fans ang nagsimula nang maghula tungkol sa magiging presyo, specs, at features ng bagong console.
Kasabay nito, napag-uusapan din ang pagtaas ng presyo ng Xbox Game Pass at Xbox Series X at S. Lalo nitong pinainit ang usapan kung magiging abot-kaya pa ba ang susunod na modelo.
Kumpirmado ng Microsoft na ang next-gen console ay lalabas pagkatapos ng Xbox Series X, na may target release sa 2027. Nakipag-partner din sila sa AMD upang mapahusay ang performance nito.
Ayon sa kumpanya, mananatiling compatible ang bagong console sa mga lumang Xbox game libraries, kaya makakapaglaro pa rin ang mga user ng kanilang mga existing games nang walang problema.




