Ang Land Transportation Office (LTO) ay nagsuspinde ng lisensya ng isang pickup driver ng 90 araw matapos mag-viral ang video kung saan nanakit siya ng isang matandang bus driver sa Silang, Cavite.
Kinilala ang driver na si Arny Jose Montes. Pinadalhan siya ng show-cause order noong Oktubre 19 at pinapaliwanag kung bakit hindi dapat permanenteng kanselahin ang kanyang lisensya at kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng reckless driving.
Si Montes ay pinatawag ng LTO Intelligence and Investigation Division sa Oktubre 24 para sagutin ang reklamo ng Reckless Driving, Obstruction, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Kung mapatunayang guilty, maaari siyang mawalan ng lisensya habangbuhay.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsimula ang gulo matapos bumangga ang Toyota Hilux ni Montes sa isang pampasaherong bus. Sa kumalat na video, makikita siyang nanuntok at nagtulak sa matandang bus driver, na nagdulot ng galit ng publiko.
Itinagay din ng LTO ang Toyota Hilux sa “alarm” status, kaya hindi muna maaaring iproseso ang anumang transaksyon sa sasakyan. Ayon sa LTO, ang pansamantalang suspensyon ay para sa kaligtasan ng publiko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.