
Ang Pilipinas ay umaasa na makatutulong ang pagbabalik ng China eVisa program sa Nobyembre upang mapataas muli ang bilang ng mga turistang Tsino, matapos itong bumaba kumpara sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, inaasahan ng pamahalaan na muling dadami ang mga turistang Tsino pagbalik ng eVisa. Sinabi niya na malaking hakbang ito para muling mabawi ang nawalang merkado. Ngunit nilinaw niyang makikita pa ang resulta sa susunod na taon dahil karaniwang tumatagal ng anim na buwan bago makita ang epekto ng mga marketing campaign.
Plano ng Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan sa mga airline at travel partners sa China upang madagdagan ang mga charter flights papunta sa Pilipinas. Sa datos ng DOT, umabot sa 203,923 na turistang Tsino ang dumating mula Enero hanggang Setyembre 2025—malayo pa sa target na 2 milyon.
Sa unang apat na buwan ng 2025, nakapagtala ang Pilipinas ng 2.1 milyong banyagang turista, mas mababa ng 3.2% kumpara noong 2024. Samantala, mas mataas ang bilang sa mga karatig-bansa tulad ng Malaysia na may ₱334 milyon (13.4M) at Thailand na may ₱302 milyon (12.1M) na turista.
Bago ang pandemya, pangalawang pinakamalaking merkado ng Pilipinas ang China, na may 1.7 milyong turista noong 2019. Umaasa ngayon ang DOT na sa pagbabalik ng eVisa, tataas muli ang bilang ng mga Chinese visitors at makatutulong ito sa pagbangon ng turismo sa bansa.