Ang sikat na K-drama Itaewon Class magkakaroon ng remake dito sa Pilipinas. Kumpirmado na nabenta ang adaptation rights para sa bersyon ng Pilipinas at Vietnam.
Itaewon Class ay tungkol sa isang ex-con na nagbukas ng street bar sa Itaewon habang gumagawa ng paraan para makaganti sa pamilyang responsable sa pagkamatay ng kanyang ama. Pinangunahan ito ni Park Seo-joon at nakatanggap ng maraming parangal tulad ng Best Drama Series sa Asian Television Awards at Best Mini Series sa Seoul International Drama Awards.
Maraming Pinoy fans ang natuwa at agad nag-react online. Isang netizen ang nagkomento, “Grabe ‘yung scene na iniiyakan niya papa niya. Sana ‘yung lead sa PH remake ganon din ka-emotional para madala rin viewers.”
Sa isang vlog noong 2020, ibinahagi ni Park Seo-joon na malaki ang naging epekto ng serye sa kanya. Sabi niya, “Ang mga linya ni Saeroyi ang nagpa-reflect sakin sa buhay — tungkol sa paniniwala, honesty, at values.” Dagdag pa niya, katulad ng karakter, dati rin siyang dreamer at ngayon natupad ang pangarap niyang maging aktor.