Ang Kawasaki Z650RS 2026 ay may bagong kulay na hango sa Z900RS noong 2021. Pinagsasama nito ang retro style at modernong performance, bagay sa riders na gusto ang classic look pero may makabagong gamit.
Inspired sa “Zapper” model ng Kawasaki, kapansin-pansin ang round headlight, bullet-style meters, teardrop fuel tank, slim seat, at tail cowl. Sa disenyo pa lang, ramdam agad ang classic appeal habang dala ang magaan at agile na handling dahil sa diamond frame na trellis type.
May bigat na 188 kg lang, dala nito ang liquid-cooled, 4-stroke parallel-twin engine na kapareho ng sa Ninja 650 at Z650. Kayang maglabas ng 63 Nm torque sa 6,700 rpm na swak para sa smooth na acceleration. May dagdag na Kawasaki Traction Control (KTRC) para sa mas stable at safe na ride.
Ang presyo sa Japan ay ₱417,650, at inaasahang maglalabas ng official price si Kawasaki Philippines para sa local market. Available na ito sa Japan simula Nobyembre 15, 2025.