Ang customs ng Tsina ay nakasabat ng 60,000 mapa na tinawag nilang “problematic” dahil sa maling pag-label ng Taiwan at pagkakawala ng mga isla sa South China Sea na inaangkin ng Beijing.
Ayon sa ulat, ang mga mapa ay nakumpiska sa isang batch ng export goods sa Shandong Province. Hindi tinukoy kung kailan ito nasabat o kung saan naimprenta.
Sinabi ng awtoridad na ilang mapa ay maling nag-label sa Taiwan at hindi ipinakita ang “nine-dash line” na ginagamit ng China para igiit ang kanilang karagatan. Mayroon ding mapa na walang guhit sa pagitan ng mga isla ng Tsina at Japan.
Dagdag pa ng opisyal, ang ganitong uri ng mapa ay “nakakapinsala sa pambansang pagkakaisa, soberanya, at teritoryal na integridad,” kaya ipinagbabawal na i-export o i-import.
Sa kasaysayan, sensitibong isyu ang mga mapa sa Asya dahil sa magkakaibang pag-aangkin ng teritoryo. Katulad na lang ng mga nakaraang kaso kung saan binatikos ang mga produktong Tsino dahil sa “nine-dash line.”
Typography is the art and technique
Typography is the art and technique of arranging type to make written language legible, readable and appealing when displayed. The arrangement of type involves selecting typefaces, point size, line length, line-spacing (leading), letter-spacing (tracking), and adjusting the space within letters pairs (kerning).