Ang Apple ay naglunsad ng mga bagong produkto na gamit ang pinakabagong M5 chip. Kasama rito ang iPad Pro, MacBook Pro, at upgraded na Vision Pro. Mas mabilis ang AI, graphics, at mas matipid sa battery. Ito ang pinakamalaking leap ng Apple simula pa noong unang M1 chip.
Bagong iPad Pro ngayon ay may Ultra Retina XDR display sa 11-inch at 13-inch. May M5 chip na hanggang 3.5x mas mabilis sa AI at 5.6x mas mabilis kaysa M1. May 10-core GPU, 16-core Neural Engine, at mas mataas na memory bandwidth. May Wi-Fi 7 at mas mabilis na cellular connection. Presyo nagsisimula sa ₱57,000 (dating $999) hanggang sa modelong may 2TB storage at 16GB RAM.
MacBook Pro 14-inch ay gamit din ang M5 chip na may hanggang 24 oras battery life. May mas mabilis na SSD at mas malakas sa graphics at AI. Presyo ay nagsisimula sa ₱91,000 (dating $1,599), na may storage options hanggang 4TB.
Vision Pro headset ay may malaking upgrade mula M2 papuntang M5 chip. May bagong Dual Knit Band para mas komportable at may visionOS 26 na may updated features gaya ng bagong Personas at spatial apps. May storage na 256GB, 512GB at 1TB. Presyo nagsisimula sa ₱205,000 (dating $3,499).
Apple M5 lineup ay nakatutok sa AI, performance, at battery efficiency, na naglalagay sa M5 bilang pinakamalaking chip upgrade ng kumpanya. Pre-order ay bukas na at magiging available worldwide simula Oktubre 22.