
Ang Estados Unidos ay tumutulong sa Ukraine na magsagawa ng long-range strikes laban sa mga energy facilities ng Russia. Layunin nitong pahinain ang ekonomiya ng Moscow at pilitin si President Vladimir Putin na makipag-usap para sa posibleng kasunduan.
US intelligence ang nagbibigay ng tulong sa route planning, altitude, timing, at mission decisions para makaiwas ang mga long-range drones ng Ukraine sa depensa ng Russia. Dahil dito, natatamaan ang mga mahahalagang oil refineries at energy sites na malayo sa frontline.
Ayon sa mga opisyal, ang Ukraine ang pumipili ng target habang US intelligence ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kahinaan ng mga pasilidad. Kasama rin dito ang hiling ng US sa mga NATO allies na magbigay ng parehong suporta.
Kamakailan, sinabi ni President Volodymyr Zelenskiy na nag-usap sila ni US President Donald Trump tungkol sa air defense at proteksyon ng energy system ng Ukraine. Dagdag pa niya, may mga “good options at solid ideas” na pinag-uusapan para mas palakasin pa ang depensa ng kanilang bansa.