Ang Cadwell Park sa Lincolnshire ay nag-host ng dalawang araw na pista ng motorsiklo noong Setyembre 27-28 bilang pagdiriwang ng 70 taon ng Yamaha. Tampok dito ang mga parada ng race bikes, kilalang personalidad, live music, demo rides, at iba pa.
Bagama’t karamihan ay Yamaha classic bikes, hindi ito limitado sa iisang brand. May mga lumabas sa track gaya ng Vincent Black Shadow at Honda NSR500. Mayroon ding display ng iba’t ibang motorsiklo na pinagmamasdan ng mga bisita.
Nagkaroon ng parangal noong Sabado ng gabi para sa pinakamahusay na track bike, race bike, at road bike, na sinundan ng konsyerto mula sa bandang Ska’d Up. Kasama rin sa kasiyahan ang trials riding exhibition sa wooded area ng Cadwell Park.
Nakiisa rin ang Robspeed Yamaha dealership na nagdala ng mga demo units tulad ng XSR900GP, Tracer 9, at Ténéré 700. Ayon sa may-ari, matagal na silang ka-partner ng Yamaha at hindi maaaring palampasin ang mahalagang okasyon na ito.
Kasama rin ang Humberside Police na nagpakita ng kanilang Yamaha Ténéré 700 patrol bikes bilang bahagi ng kampanya laban sa mga pasaway na riders. Para naman sa mga clubs tulad ng UK 2 Strokes at Vintage Japanese Motorcycle Club, ang event ay hindi lang tungkol sa motor kundi sa camaraderie at pagtutulungan ng kapwa riders.