
Ang kontrobersyal na kongresista Zaldy Co ay may tinatayang P4.7 bilyon na halaga ng mga air assets, ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon. Ang datos ay mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Si Co, na kinatawan ng Ako Bicol party-list at chairman ng appropriations committee, ay may 11 rehistradong air assets sa ilalim ng kanyang kumpanyang Misibis Aviation and Development Corp. Kabilang dito ang:
AgustaWestland AW1398 – P944M (dalawa)
Gulfstream 350 – P2B
Bell 407 – P167M at P890M
Bell 206B3 – P37M
Sa kabuuan, umaabot ito ng P4.28 bilyon.
Ayon pa kay Dizon, hawak din ng Hi Tone Construction Corp. ni Co ang mga air assets na nagkakahalaga ng P455.6M, habang ang QM Builder ay may Bell 505 na aabot sa P114.8M.
Ipinaabot na ni Dizon ang ulat sa AMLC, DOJ, at Independent Commission on Infrastructure para sa posibleng aksyon. Naka-freeze na rin ang ilan sa ari-arian ni Co matapos ang mga alegasyon ng P35 bilyon na budget insertions at kickback schemes.
Itinatanggi ni Co ang mga paratang, ngunit inihahanda na ng DOJ ang kaso laban sa kanya tulad ng indirect bribery at malversation.