Ang Mika Salamanca, Sparkle artist at content creator, ay nagsalita na matapos ang matinding bashing na natanggap niya dahil sa pagkakaibigan kay Kitty Duterte, anak ng dating pangulo.
Sa kanyang post sa X (dating Twitter), humingi siya ng paumanhin sa mga hindi sang-ayon sa naging ugnayan nila. Marami ang bumatikos kay Mika, at tinawag pa siyang two-faced dahil sa pagtuligsa niya sa korapsyon habang kaibigan ang isang tinawag na “nepo baby.”
Ayon kay Mika, “I understand where the disappointment and frustration are coming from and I am truly sorry. If I can only say one thing about this, I assure you that I stand and will always stand with the people.”
Inamin din ng PBB Celebrity Collab Big Winner na nagkaroon siya ng questionable choices sa pagpili ng mga kaibigan, lalo na noong siya ay nasa pinakamahirap na punto ng kanyang buhay. Ngunit nilinaw niyang hindi kailanman naapektuhan ang kanyang paniniwala at prinsipyo.
Bago pa man ang kanyang paliwanag tungkol sa mga akusasyong siya ay “performative” at “cloutchaser,” agad na niyang in-unfollow si Kitty Duterte.