Ang sikat na Air Force 1 Low ay may bagong mukha sa pakikipag-collab ng Nike at Vibram. Tinawag itong “Summit White”, isang hybrid na pinagsama ang classic street style at outdoor performance.
Sentro ng design ang Vibram sole – isang chunky at lugged outsole na karaniwang nakikita sa hiking boots. Malakas ang contrast nito sa malinis at minimalist na upper ng AF1. Ang kulay Summit White/Eggshell-Velocity Yellow ay may premium leather upper na simple pero matibay. Sa detalye, nakalagay ang “AF1” sa isang dubrae at “GORE-TEX” naman sa kabila.
Bukod sa looks, built din ito para sa performance. Ang Vibram sole ay nagbibigay ng solid na traction, tibay, at grip – kaya swak gamitin kahit anong season. Pinapakita nito na versatile pa rin ang Air Force 1 kahit may bagong rugged twist.
Inaasahang ilalabas ang Vibram x Nike Air Force 1 Low "Summit White" sa Summer 2026. Presyo ay hindi pa tukoy pero inaasahang nasa humigit-kumulang ₱8,500 – ₱9,500 depende sa market.







