
Ang mga AI company ay kinasuhan ng isang malaking music group dahil umano sa “sadyang malakihang pagnanakaw ng copyright”. Ayon sa International Confederation of Music Publishers (ICMP), sinamsam ng ilang AI firms ang halos buong music catalog ng mundo para gamitin sa kanilang serbisyo.
AI music generators kaya nilang gumawa ng kanta na halos kapareho ng boses, himig, at estilo ng mga sikat na artista. Sinabi ng ICMP na ito ay malinaw na labag sa batas dahil wala silang lisensya o bayad sa mga may-ari ng musika.
Ayon kay John Phelan ng ICMP, ang desisyon ng mga kumpanya at kanilang mga CEO ay dapat sumusunod sa batas. Idinagdag pa niya na ito ay malinaw na komersyal na pagnanakaw. Samantala, may ilang AI music service na pumayag na makipagkasundo at magbayad ng lisensya.
Research ng ICMP ay nagsabing gumagamit ang AI firms ng “scraping” o pagkuha ng musika at lyrics mula sa iba’t ibang digital platforms nang walang pahintulot. Dahil dito, nananawagan ang music industry ng mas mahigpit na regulasyon upang protektahan ang mga composer, singer, at publishers.
Ayon sa isang pag-aaral, maaaring bumaba ng higit ₱1.7 trilyon (20% ng kita) ng mga musikero sa susunod na apat na taon dahil sa pagdami ng AI-generated music sa mga streaming platforms. Marami na itong napo-produce araw-araw at umaabot na sa milyon-milyong plays online.
			
		    



