Ang DigiPlus Interactive Corp. ay naglunsad ng unang surety bond program sa Pilipinas para sa mga online gaming players. Ito ay isang bagong hakbang para sa player protection na nagbibigay ng dagdag na seguridad sa kanilang pondo habang naglalaro online.
Sa bagong programa, ang mga eligible players ay may proteksyon sa kanilang wallets at balances hanggang ₱1,000,000 kada player. Walang kailangang hiwalay na policy na bilhin. Ang kailangan lang ay eKYC verification, isang successful deposit, at pagiging nasa good standing sa platform.
Ang proteksyon ay automatic at agad na umiiral sa lahat ng verified players ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone. Kahit casual gamer o loyal player na nanalo ng malaki, mas panatag ang bawat laro dahil may kasamang financial safeguard.
Ayon kay Chairman Eusebio Tanco, ipinapakita ng surety bond na prayoridad ng DigiPlus ang mga manlalaro. “Mas makakapaglaro sila nang kumpiyansa dahil protektado ang kanilang pera,” aniya.
Bukod dito, may 24/7 customer support at mahigit 130 BingoPlus stores sa buong bansa, pinapatibay ang tiwala ng mga manlalaro sa serbisyo ng DigiPlus.