
Ang Kodak ay naglunsad ng Charmera, isang mini digital keychain camera na inspired mula sa disposable camera noong ’80s.
May pitong design itong maliit na kamera na tumitimbang lang ng humigit-kumulang 30 gramo at sukat na 2.2 inches. Kaya nitong kumuha ng photo at video, may 7 vintage filters, date stamp, at custom Kodak frames. Mayroon din itong mini screen para makita agad ang shots at videos.
Puwede ring i-transfer ang files gamit ang USB-C, at kailangan ng micro SD card para sa storage. Sa release nito, naka-blind box model ito kung saan may 6 regular editions at isang secret edition na may transparent shell para makita ang loob ng kamera.
Makukuha na ang Kodak Charmera online sa halagang nasa ₱1,800 hanggang ₱2,000 depende sa edition.