Ang United Nations investigators ay nag-akusa na may genocide na nagaganap sa Gaza. Dahil dito, kinasuhan si Israel at ilang lider nito sa International Court of Justice (ICJ) at International Criminal Court (ICC) na parehong nakabase sa Hague.
Sa ICC, ang mga indibidwal gaya ni Prime Minister Benjamin Netanyahu at dating defense minister Yoav Gallant ay may arrest warrants para sa war crimes at crimes against humanity—kasama dito ang gutomin, patayin, at usigin ang mga sibilyan. Hindi pa sila kinasuhan ng genocide.
Samantala, sa ICJ, kinasuhan si Israel ng South Africa dahil sa paglabag sa 1948 UN Genocide Convention. Naglabas na ng emergency rulings ang korte tulad ng pag-utos na itigil ang operasyon sa Rafah at hayaang makapasok ang humanitarian aid. Ang mas malawak na kaso kung may genocide nga ay posibleng magsimula pa lamang sa 2027.
Importante: Ang proseso ay napakabagal. Ang ICC ay umaasa sa 125 member states para ipatupad ang arrest warrants. Kung hindi ipapasa ng Israel si Netanyahu, malabong humarap siya sa korte. Ang ICJ naman ay nagbigay kay Israel hanggang Enero 2026 para magsumite ng sagot.
Para sa mga eksperto, posibleng magtagal ng 5 hanggang 10 taon bago magkaroon ng malinaw na epekto ang mga kasong ito. Habang tumatagal ang proseso, nananatiling malaki ang tanong kung magbabago ang sitwasyon sa Gaza.