Huwebes, Setyembre 18, 2025
GR GLAMRITZ
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • EN
  • TL
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • EN
  • TL
No Result
View All Result
GR GLAMRITZ
No Result
View All Result

Gumanti ako sa mister kong babaero,pero nabuntis ako ng iba….

2
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang hirap ilabas ng kwento ko pero gusto ko na lang i-share kasi halos mabaliw na ako sa sitwasyon. Ako po ay 28 years old, isang nanay ng apat na anak, at halos 5 taon na kaming magkasama ng partner ko. Dalawang taon na siyang nasa abroad para magtrabaho. Sa una pa lang, aminado ako, mali na kasi nambababae na siya noong mag-BF/GF pa lang kami. Gumagawa siya ng dummy account para makipag-usap sa iba. Nahuli siya ng mga kaibigan ko at halos ikasira na ng relasyon namin. Pero dahil mahal ko siya at umaasa ako, pinatawad ko pa rin.

Dahil sa sobrang sakit, gumanti ako. Kinausap ko rin ibang lalaki gamit ang account ko, sinadya ko pang makita niya para maramdaman niya rin ang sakit na ginawa niya sa akin. Grabe ang galit niya noon, binasag niya pa yung phone niya sa harap ko. Doon ako natakot at mula noon, hindi ko na inulit. Pero siya? Hindi siya tumigil. Sa tuwing mabubuntis ako, halos bunga lang ng pag-aaway at selos namin ang nangyayari.

Noong nag-abroad siya, akala ko magiging maganda ang takbo ng buhay namin kasi sinacrifice ko na siya ang magtrabaho para sa future namin. Pero habang wala siya, lalo ko pang nalaman ang totoo. Nahuli ko siya sa email niya na may kinakausap na ibang babae. Ang mas masakit, may nangyari na pala sa kanila doon. Halos mabaliw ako kasi akala ko chat-chat lang, pero hindi pala. Totoo na pala siyang may karelasyon at matagal na pala niya akong niloloko.

Dumating sa punto na bumigay din ako. Nakipag-usap ako ulit sa ibang lalaki, at sa sobrang galit at lungkot, may nangyari sa amin. Hanggang sa nabuntis ako ng lalaking iyon. Hindi naman namin ginusto na maging kami, at hindi ko rin gusto na panagutan niya ako. Kaya ang naging desisyon ko, ipaampon ang bata sa malayo. Ang bigat sa dibdib pero wala akong choice.

Habang ako, nagkamali ng isang beses, siya naman tuloy-tuloy pa rin sa pambababae. Nangako siya na hihiwalayan niya ang babae niya abroad pero hindi niya tinupad. Araw-araw, ang relasyon namin puno ng sumbatan, murahan, at galit. Sinasabi niya na pineperahan lang daw niya yung babae, pero kahit anong paliwanag niya, hindi ko na kayang paniwalaan.

Pinakamasakit pa, wala akong sariling pera kasi gusto niya tutok ako sa mga anak namin. Siya ang nagpo-provide, pero ginagamit niya iyon para ipamukha na wala akong silbi. Minsan halos hindi ako kumain dahil sa mga sinasabi niya. Umabot na sa punto na nakikikain na lang ako sa kamag-anak ko kasi sobra akong nasasaktan sa mga salita niya. Ang sakit kasi imbes na buhatin niya ako, lalo niya akong ibinabagsak.

Ngayon, ang tanging pangarap ko ay makapag-abroad din. Gusto ko makawala sa toxic na relasyon namin at magkaroon ng sariling ipon para sa mga anak ko. Pero naaawa ako kasi maliit pa sila at baka mahirapan kapag iniwan ko. Sobrang gulong-gulo ang isip ko araw-araw—pipiliin ko ba ang kalayaan ko o titiisin ko na lang para sa kanila?

Kaya ang tanging kaya ko na lang gawin ay magdasal. Sana dumating ang araw na makabangon kami. Sana makalayo ako sa ganitong sitwasyon at mabigyan ko ng mas maayos na buhay ang mga anak ko. Hindi ko alam kung gaano pa katagal ko kakayanin, pero pinipilit kong lumaban araw-araw para sa kanila.

Tags: Emotion
ShareTweetShare
Previous Post

3 Sugatan sa Pagsabog ng Paputok sa San Ildefonso

Next Post

2 Arestado sa Pagtangkang Maglagay sa Kaso ng Sabungero

Next Post
2 Arestado sa Pagtangkang Maglagay sa Kaso ng Sabungero

2 Arestado sa Pagtangkang Maglagay sa Kaso ng Sabungero

P540B Idinagdag ng Mambabatas sa Budget ng DPWH

P540B Idinagdag ng Mambabatas sa Budget ng DPWH

Padilla itinutulak ‘Anti-Pabebe’ Bill sa Senado

Padilla itinutulak ‘Anti-Pabebe’ Bill sa Senado

Bumagsak ang Stock ng POP MART, Fading na ba si Labubu?

Bumagsak ang Stock ng POP MART, Fading na ba si Labubu?

Central Perk Coffee Co. Bubuksan na sa New York

Central Perk Coffee Co. Bubuksan na sa New York

  • Advertise
  • Privacy & Policy

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic

No Result
View All Result
  • HOME
  • GAME NEWS
  • MOVIES
  • FORTUNE
  • EMOTION
  • Toy / Animation
  • 3C
  • LIFESTYLE
    • Headline News
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC
    • TECH
  • CASINO REVIEWS
    • CASINO REVIEWS
    • SlotGames
    • LottoLottery

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic