Ang isang Korean travel influencer na nasa edad 20s ay namatay matapos mahulog habang kumukuha ng larawan sa isang bulkan sa Mongolia noong huling bahagi ng Agosto.
Ayon sa ulat ng Ministry of Foreign Affairs, nakilala lamang bilang Ms. A, ang babae ay nadulas at nahulog sa gilid ng Uran Togoo Volcano. Pinaniniwalaang isang biglang malakas na hangin ang nagdulot ng pagkawala niya ng balanse.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.
Ang Uran Togoo Volcano ay isang dormant na bulkan at kilala bilang paboritong puntahan ng mga turista. May crater ito na may sukat na humigit-kumulang 500 hanggang 600 metro ang lapad at 50 hanggang 60 metro ang lalim.
Matatagpuan ito sa taas na 1,680 metro at kilalang destinasyon ng mga hikers at travelers na bumibisita sa rehiyon ng Khuvsgul.