
Ang SSS pension reform program ay inilunsad kahapon na magbibigay ng dagdag benepisyo sa 3.8 milyong pensioners sa susunod na tatlong taon nang walang dagdag na kontribusyon.
Sa bagong programa, may 10% increase ang matatanggap ng mga retirement at disability pensioners, habang may 5% dagdag para sa survivorship pensioners at mas mataas na tulong para sa mga dependents. Ang adjustment ay ibibigay kada taon tuwing Setyembre mula 2025 hanggang 2027.
Ayon sa SSS, ang repormang ito ay isang historic step para mas maging inclusive at responsive ang social security system, na layong protektahan ang dignidad at kapakanan ng mga retirees at kanilang pamilya.
Sa kabuuan, mahigit ₱93 bilyon ang mailalabas na pondo para sa mga benepisyaryo sa loob ng tatlong taon. Ayon kay Marcos, malaking tulong ito para sa gamot, pagkain, at iba pang pangangailangan ng pensioners.
Nanawagan din ang Pangulo sa SSS at GSIS na siguraduhing mabilis at maayos ang serbisyo, mag-invest nang tama, at gawing mas accessible ang sistema sa pamamagitan ng digital platforms at kiosks. Hinikayat din niya ang pensioners na planuhin ang kanilang kinabukasan at makipag-ugnayan sa SSS para mas mapakinabangan ang kanilang mga benepisyo.