Ang Netflix ay naglabas ng unang teaser trailer para sa Last Samurai Standing, isang anim na episode na historical drama at action series. Nakasentro ito sa isang Meiji-era battle royale na magbibigay ng matinding eksena ng laban at diskarte sa buhay.
Sa teaser, makikita ang 292 mandirigma na nagtipon sa Tenryūji Temple sa Kyoto. Bawat isa ay may dalang kahoy na tag na kailangang ipagtanggol o agawin sa iba, habang patungo sa Tokyo. Pinaghalong CGI at practical effects ang ginamit kaya’t asahan ang isa sa mga pinaka-matinding action sequences sa telebisyon sa Japan.
Bida rito si Junichi Okada, na hindi lang gumanap kundi tumulong din sa action planning. Kasama niya sina Gaku Hamada bilang Superintendent General Toshiyoshi Kawaji, Taiiku Okazaki bilang swordsman Jinroku Keage, at Arata Iura bilang Home Minister Toshimichi Okubo. Dagdag pa rito sina Tetsushi Tanaka at Ayumu Nakajima, pati ang mga sikat na artista tulad nina Yūmia Fujisaka, Kaya Kiyohara, Masahiro Higashide, at Kazunari Ninomiya.
Ang Last Samurai Standing ay mapapanood simula Nobyembre 13, 2025, eksklusibo sa Netflix. Ipapalabas din ito sa isang espesyal na viewing sa 30th Busan International Film Festival ngayong buwan.
lrc7vx