
Ang Senador Panfilo Lacson ay pinangalanan ang isang opisyal ng DPWH na umano’y nag-alok ng maagang budget insertions para sa 2026 National Budget. Ayon kay Lacson, si Undersecretary Cabral daw ang tumawag sa staff ni Sen. Vicente Sotto III matapos ang halalan noong Mayo.
Hiningi raw ni Cabral ang mga proyektong nais ipasok sa National Expenditure Program (NEP) 2026. Pero giit ni Sotto, hindi siya nagsumite ng kahit anong insertion. Ani Lacson, “Kung inalok si Sotto, sino pa kaya ang inalok at sino ang nagsumite?”
Nabanggit din ni Lacson na nakita niya ang daan-daang entries sa tala ng DPWH, kabilang ang 660 proyekto na tig-₱100 milyon bawat isa ngunit walang malinaw na deskripsyon o lokasyon. Dahil dito, nanawagan si Executive Secretary Lucas Bersamin na linisin muna ang sistema at panagutin ang mga sangkot.