Ang basketball journey ni Sonny Estil ay puno ng ups and downs. Mula sa paglalaro sa La Salle Greenhills noong high school, lumipat-lipat siya ng school dahil hirap makakuha ng playing time. Nakarating pa siya sa MPBL bilang parte ng Pampanga Giant Lanterns.
Ngayong Linggo, kasama si Estil sa 122 players na sasabak sa PBA Season 50 Draft sa SM Mall of Asia Music Hall. Dating hindi kilala, mas nakilala siya matapos maging PBA Draft Combine MVP at kabilang pa sa Mythical Five. Sa Combine, nagpakitang-gilas siya bilang 6’3 winger at nagtala ng game-winning layup para sa panalo ng Team A-2 laban sa Team D-1, 37-35.
“Sana mas makilala ako. Sana may kumuha. Pangarap ko talaga ang mag-PBA, para matulungan ang pamilya ko,” ani Estil matapos tanggapin ang MVP award. Dagdag pa niya, hindi siya tumigil magtrabaho kahit mahirap ang college career, at umaasa na sulit lahat ng oras sa gym.
Hindi rin siya nagpapahinga agad dahil kasali pa siya sa MPBL Slamdunk Contest ngayong Sabado. “Napakaswerte at thankful ako kay Lord at sa teammates ko. Binigay sakin ang opportunity na ito,” dagdag niya.
Kung mapipili, posibleng magsimula na ang professional career ni Estil at maabot ang pangarap na makapasok sa PBA.