
Ang mga firefighters sa Davao City ay nagligtas ng isang 13-anyos na Shih Tzu na pinangalanang Oddy matapos itong ma-trap ng halos 30 minuto sa loob ng nasusunog na bahay sa Barangay Paciano Bangoy nitong Miyerkules ng gabi.
Sa kuhang video, makikitang binuhusan ng tubig ang aso na nagkaroon ng burns at hirap huminga dahil sa smoke at carbon monoxide. Agad itong dinala sa Davao Emergency Veterinary Hospital kung saan sinabi ni Dr. Ronald Lunar na dumating ang aso na shock at gasping for air.
Kasalukuyang nasa oxygen therapy si Oddy at mahigpit na mino-monitor ang kanyang puso, paghinga, at organs. Ayon kay Dr. Lunar, aabutin ng halos tatlong araw bago tuluyang maalis ang epekto ng carbon monoxide toxicity.
Dagdag pa niya, mataas ang mortality rate ng carbon monoxide inhalation sa tao at hayop, kaya’t napakahalaga ng critical monitoring. Sa ngayon, aniya, “By God’s grace, okay pa siya pero kailangan pa ng tuloy-tuloy na oxygen therapy mula 24 oras hanggang 3 araw.”
Sa kabila ng panganib, patuloy na lumalaban para mabuhay si Oddy habang bantay-sarado ng mga beterinaryo.