Ang aktres na si Janella Salvador ay nagsalita na tungkol sa isyu na inuugnay sa kanya kaugnay ng breakup nina Klea Pineda at Katrice Kierulf. Nilinaw ni Janella na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng dalawa.
Sa media conference ng pelikulang “Open Endings” na kasali sa Cinemalaya 2025, sinabi ni Janella: “Hindi po ako part ng breakup. Hindi po ako third party. Gusto ko lang linawin at i-exclude ang sarili ko sa issue.” Dagdag pa niya, masaya siya ngayon sa kanyang buhay.
Si Klea Pineda, na kasama rin sa pelikula, ay nagsabi rin na walang third party na dahilan sa kanyang hiwalayan kay Katrice. Ani Klea, naging close lang sila ni Janella dahil sa proyekto at natural lang na mag-develop ang friendship nila sa set.
Noong Hulyo, kinumpirma ni Klea ang breakup nila ni Katrice matapos ang halos tatlong taon na relasyon. Ayon sa kanya, mutual decision ito at mas pinili nilang unahin ang sarili at personal na growth. Binigyang-diin din niya na walang cheating na nangyari at nananatili ang respeto niya kay Katrice.
Gayunman, hindi maiwasan ang spekulasyon online matapos mamataang magkasama sina Klea at Janella sa ilang pagkakataon. May netizens ding nakapansin sa ilang posts at likes na tila nagpapahiwatig ng intriga. Sa kabila nito, parehong malinaw na sinabi nina Klea at Janella na walang third party issue at mas pinili nilang maging masaya sa kasalukuyan.