
Ang Radiohead ay muling babalik sa entablado matapos ang pitong taon. Inanunsyo ng banda ang ilang piling tour dates sa Europa ngayong Nobyembre hanggang kalagitnaan ng Disyembre.
Magsisimula ang tour sa Madrid kung saan apat na magkakasunod na gabi silang magtatanghal. Susundan ito ng apat na gabi sa Bologna, London, at Copenhagen, bago tuluyang magtapos sa Berlin.
Ayon kay Philip Selway, sobrang saya nilang mag-rehearse muli matapos ang pitong taong pahinga. Dagdag pa niya, “nakaka-excite na maramdaman ulit ang koneksyon sa musika kaya naisip naming magtanghal para sa inyo.”
Para sa mga tagahanga, bukas ang ticket registration mula Setyembre 5 hanggang 7, at magsisimula naman ang ticket sale sa Setyembre 12. Presyo ng ticket ay inaasahang magsisimula sa humigit-kumulang ₱6,000 pataas.
Ito lamang muna ang mga petsa ng kanilang pagbabalik, at wala pang dagdag na anunsyo kung madaragdagan pa ang mga lugar.