
Ang Quarry Road sa Binangonan, Rizal ay pansamantalang isinara matapos bumagsak ang 2 poste ng kable pasado ala-1:30 ng hapon nitong Miyerkoles, Setyembre 3.
Ayon sa Binangonan MDRRMC, natumba ang mga poste ng telepono at cable wires na humambalang sa kalsada. Dahil dito, hindi makadaan ang mga motorista patungo sa National Road.
Inabisuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta sa Meralco Village, Barangay Bilibiran upang maiwasan ang trapiko.
Wala namang naitalang nasugatan o napinsalang ari-arian sa insidente. Patuloy pa rin ang clearing operations upang maibalik ang normal na daloy ng sasakyan.