Ang IWC ay nagdagdag ng bagong relo sa kanilang Colors of TOP GUN collection – ang Pilot’s Watch Chronograph 41 TOP GUN Miramar. Available ito sa dalawang bersyon: isang ceramic at isang stainless steel na may parehong Pantone® light blue na kulay.
Ang ceramic na bersyon ay limitado lamang sa 1,000 piraso. May kakaibang light blue ceramic case na kinuha ang inspirasyon mula sa kulay ng t-shirt ng mga TOP GUN instructors. Gumamit ang IWC ng espesyal na proseso ng paghahalo ng zirconium oxide at metallic oxides para makuha ang tamang kulay at kalidad. Kumpleto ito sa matching dial at rubber strap para sa isang eleganteng look. May IWC 69380 caliber movement ito na may 46-hour power reserve, titanium case back na may engraved na TOP GUN logo, at proteksyon laban sa magnetic field.
Ang stainless steel edition naman ay unang pagkakataon na gumamit ng Pantone® color mula sa TOP GUN series sa isang steel case. Mayroon itong 41mm steel case, Miramar blue dial, at rubber strap. May rhodium-plated hands na may Super-LumiNova® para sa malinaw na visibility. Sa likod nito, makikita ang IWC 69385 movement sa open caseback design.
Parehong bersyon ay may EasX-CHANGE® system, kaya madaling palitan ang strap para bumagay sa mood o outfit. Naka-available na ito sa IWC: $13,500 USD para sa ceramic edition at $7,200 USD para sa steel version.