
Ang Google ay nakakuha ng panalo matapos sabihin ng isang US judge na hindi nila kailangang ibenta ang kanilang Chrome browser sa kaso ng antitrust. Pero ipinataw ang mahigpit na rules para mas magkaroon ng kompetisyon sa online search.
Noong Agosto 2024, napatunayan na lumabag ang Google sa batas dahil sa mga exclusive deals na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso bawat taon. Sinabi ng kumpanya na ngayon ay mas maraming paraan ang tao para maghanap ng impormasyon dahil sa AI.
Sa ruling, inutusan ang Google na ibahagi ang search data at user info sa mga qualified competitors para makatulong sa kanilang serbisyo. Kasama rin sa utos ang pagbabantay laban sa exclusive deals para hindi ma-dominate ng Google ang AI market.
Bagama’t hindi pinayagan ng korte ang pagbenta ng Chrome, tumaas ang shares ng Google parent company ng halos 7.5% (katumbas ng ₱4.3 trilyon sa market value) pagkatapos ng desisyon.
Ito ay parte ng mas malawak na laban ng gobyerno ng US kontra sa Big Tech companies, kung saan may iba pang kaso laban sa mga higanteng kumpanya sa teknolohiya.