
Ang “Blinding Lights” ni Weeknd ay opisyal na naging unang kanta sa Spotify na umabot sa 5 bilyong streams. Kinumpirma ito noong Agosto 31, halos anim na taon matapos ilabas ang awitin.
Lumabas ang “Blinding Lights” noong Nobyembre 2019 bilang ikalawang single mula sa album na After Hours. Noong Enero 2024, naabot nito ang 4 bilyong streams, at ngayon ay mas lalo pang nagmarka bilang isa sa pinakasikat na kanta sa buong mundo.
Sa panahon ng pag-release, nanguna ang awitin sa Billboard Hot 100 ng apat na linggo at nakapagtala rin bilang unang kanta na nakstay sa Top 10 ng isang buong taon.
Bukod pa rito, nakamit din ng “Blinding Lights” ang Diamond Certification mula sa RIAA, patunay ng napakalaking tagumpay nito. Sa kasalukuyan, higit ₱300 bilyon ang katumbas ng streaming revenue nito, kung iko-convert ang kita mula sa Spotify plays.
Ang milestone na ito ay nagpapatunay na ang “Blinding Lights” ay isa sa mga pinakamatagumpay na kanta sa modernong panahon ng musika.