Ang call center agent na si Jade Milano, 25 anyos mula Davao de Oro, ay natagpuang patay sa kanyang rented room sa Sitio Holy Name, Barangay Mabolo, Cebu City noong Agosto 30.
Ayon sa imbestigador na si Police Master Sergeant Roy Bacus, wala silang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima. Base sa kanilang obserbasyon at mga laboratory request, posibleng may kinalaman ang kalusugan ng biktima bago siya namatay.
“Wala mi nakita nga foul play kay base sa among nakit-an, naa mi nakita nga mga laboratory request,” sabi ni Bacus sa isang panayam noong Setyembre 1.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matiyak ang sanhi ng pagkamatay ni Milano at upang makapagbigay ng kumpletong ulat sa kanyang pamilya.