
Ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang 35-anyos na lalaki sa isang hotel sa Cubao, Quezon City ay nahuli na ng mga pulis. Natagpuan ng bell boy ang biktima na duguan, nakagapos, at wala nang buhay sa loob ng kwarto.
Ayon sa pulisya, malaking tulong ang CCTV dahil nakunan ang mga suspek na lumalabas mula sa kwarto ng biktima. Nahuli ang 20-anyos na suspek noong Biyernes at ang kanyang 35-anyos na kasabwat naman noong Sabado.
Motibo umano ng mga suspek ang pagnanakaw. Nakuha nila ang laptop, cellphone, at motorsiklo ng biktima na tinatayang nagkakahalaga ng ₱250,000. Lumabas din na may relasyon ang biktima sa 20-anyos na suspek na tinawag na “alyas James.” Madalas silang mag-check in sa naturang hotel.
Ayon sa imbestigasyon, sinakal muna ng mga suspek ang biktima bago itali at gapusin ang kamay at paa nito. Inamin ng isa pang suspek na plano talaga nilang magnakaw pero napatay ang biktima dahil pumalag ito.
Ang mga suspek ay haharap sa kasong Robbery with Homicide at paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972.