Ang Prime Video ay naglabas ng teaser trailer para sa Fallout Season 2 na nakatakdang ipalabas sa Disyembre 17. Sa video, makikita ang paglalakbay papuntang New Vegas, mas malalim na kuwento ng Ghoul/Cooper Howard, at si Hank na naka-power armor ng Brotherhood of Steel.
Itutuloy ng bagong season ang kwento nina Lucy at Ghoul habang hinahanap nila ang ama ni Lucy na si Hank. Ipinapakita rin ang tensyon sa pagitan ni Cooper at ng tech genius at casino boss na si Robert House, na ginagampanan ni Justin Theroux.
Babalik sa kanilang mga role sina Ella Purnell, Walton Goggins, Aaron Moten, Moises Arias, Xelia Mendes-Jones, at Kyle MacLachlan. Kasama sa bagong cast sina Justin Theroux bilang Robert House at Macaulay Culkin.
Unang ipinakilala ang New Vegas sa video game noong 2010 at nakabenta ito ng higit sa ₱660 milyon (katumbas ng 11 milyong kopya) sa buong mundo.
Mapapanood ang Fallout Season 2 simula Disyembre 17 sa Prime Video.