
Ang mga Pilipinong manggagawa sa Netherlands ay nagreklamo laban sa isang luxury gym dahil sa umano’y mapang-abusong kondisyon sa trabaho. Ayon sa kanila, pinipilit silang magtrabaho nang 17 oras bawat araw at magbahagi ng kama sa ibang tao.
Ipinahayag din nila na hiningi sa kanila ang kanilang pasaporte at hindi pa rin sila nabibigyan ng inakop na work visa na ipinangako sa kanila. Sa imbestigasyon, natuklasan na mayroong 23 manggagawang walang papeles sa gym. Ayon pa sa mga reklamo, tumanggap sila ng mga nakakatakot na mensahe mula sa kanilang amo, gaya ng pagbabanta na walang matatanggap na sahod kung may magrereklamo tungkol sa kalinisan sa loob ng dalawang buwan.
Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng gym at sinabing hindi nila tinotolerate ang mapang-abusong trabaho at nakikipagtulungan sila sa imbestigasyon. Suspendido rin ang management team na namamahala sa operasyon ng paglilinis.
Nagbigay ng suporta ang Embahada ng Pilipinas sa Netherlands sa mga Pilipinong nagreklamo. Sa kasalukuyan, ang 11 manggagawa ay nananatili sa isang shelter sa Amsterdam at tinutulungan ng mga pro bono na abogado para magsampa ng kaso laban sa may-ari at mga manager ng gym. Ayon sa embahada, ligtas ang kalagayan ng mga manggagawa habang nagpapatuloy ang kaso.