
Ang mahigit ₱500,000 halaga ng hinihinalang shabu ay nakumpiska mula sa 6 na indibidwal sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa San Mateo, Rizal.
Unang operasyon ay ikinasa bandang alas-10 ng gabi sa Barangay Sto. Niño, kung saan nahuli ang dalawang lalaki na edad 28 at 31. Nakuha sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 40 gramo at halagang ₱285,600.
Kasunod nito, pasado ala-1 ng madaling araw, nagsagawa muli ng operasyon sa Barangay Banaba. Nahuli ang 4 pang suspek at nasamsam ang higit 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱286,960.
Narekober din ang iba’t ibang drug paraphernalia gaya ng weighing scale, plastic sachet, aluminum foil, lighter, cellphone, at buy-bust money.
Kasalukuyang nasa custodiya ng pulisya ang lahat ng suspek at mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.