Ang isang SUV sa Novaliches, Quezon City ay umani ng batikos matapos umanong mag-park sa slot na nakalaan para sa mga customer at delivery truck ng 7-Eleven.
Ayon sa Facebook page na “Parkeserye,” isang Montero ang na-spot sa parking area ng convenience store sa Caltex Gas Station, Barangay Sauyo. May mga sign na nakadikit sa windshield, harap at likod na bintana ng sasakyan.
Ang nakalagay sa sign:
“Kung lagpas 30 minutes ka magpa-park, ‘wag ka po dito. Para ito sa mga customers at delivery truck ng store. Hanap ka ng sariling parkingan!”
Ang post ay umani ng 3,300 likes at reactions at 400 comments. Maraming netizens ang pumabor dito. Isa ang nagsabi, “Very good! Dapat lahat ng bintana lagyan para mag-sink in sa isip.” Isa pa ang nagkomento, “Tama! Para sa negosyo ‘yan, hindi para paradahan mo lang.”
Karaniwang para sa customers ang parking slots sa harap ng negosyo. May karapatan ang mga business na magreserba ng parking para sa kanilang patrons. Ito rin ay para maiwasan ang trapiko at congestion sa kalsada.