
Ang Kapamilya star na si Daniel Padilla ay nakatakdang bumalik sa pelikula matapos ang matagumpay na seryeng “Incognito” na nagbigay sa kanya ng Outstanding Asian Star award sa 2025 Seoul International Drama Awards.
Sa isang panayam, inamin ni Daniel na nami-miss na niyang gumawa ng pelikula. “Very soon. May niluluto ako after ‘Incognito.’ Miss na miss ko na gumawa ng pelikula. Masaya ang series pero my heart nasa pelikula,” sabi niya.
Ayon kay Daniel, nais niyang ipagpatuloy ang kanyang action star era sa big screen. “Nandito ang momentum natin ngayon. I really do enjoy action. After ‘Incognito,’ ang hirap bumalik,” dagdag pa niya.
Bukod sa action, bukas din si Daniel sa ibang genre gaya ng romcoms. “Kung maganda naman at sobra ako nagandahan, why not? I love that genre,” paliwanag niya.
“Magkakaroon na ng meeting. Very soon malalaman kung ano ang project, kung ano maganda gawin para sa ’kin,” ani Daniel.