Ang kilalang Korean actor na si Song Young Kyu ay natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan sa Yongin, Gyeonggi-do. Siya ay 55 taong gulang.
Ayon sa Yongin Eastern Police Station, natagpuan ang aktor bandang 8 AM KST (7 AM PH time) nitong Agosto 4. Isang kaibigan ang nag-ulat sa pulisya matapos kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan.
Bagama’t hindi pa malinaw ang sanhi ng kanyang pagkamatay, iniulat na bumigat ang kanyang kalooban matapos kumalat ang balita tungkol sa kanyang pagmamaneho nang lasing.
Ayon sa isang malapit na source, labis siyang naapektuhan ng mga malisyosong artikulo at komento. Noong Hunyo, nahuli siyang lasing magmaneho at dahil dito, tinanggal siya sa isang drama na kanyang ginagawa.
Si Song Young Kyu ay nakilala sa pelikulang “Extreme Job” noong 2019.