Ang unang bahagi ng final arc ng Demon Slayer: Infinity Castle ay pumalo sa Japan box office matapos ang premiere nito. Sa loob ng halos 10 araw, nabasag nito ang maraming rekord kabilang ang highest-grossing opening day, single day, at weekend sales.
Bukod sa mga rekord, naging pinakamabilis na pelikula itong nakakuha ng ¥10 bilyon JPY (humigit-kumulang $67.6 milyon USD), isang patunay ng kasikatan at tagumpay nito sa Japan.
Simula Agosto, ipapalabas ang pelikula sa iba’t ibang bansa sa Asia. Sa US at UK, nakatakda ang release sa Setyembre 12, 2025, kaya kaabang-abang ito para sa international fans.
Inilabas din ang bagong key visual para sa Infinity Castle – Chapter 1: The Return of Akaza. Makikita rito sina Akaza, Giyu, at Tanjiro sa isang intense na laban sa loob ng Infinity Castle.