Ang isang motorcycle rider na kilala sa pangalang “Raymond”, 33 taong gulang mula Brgy. Laiban, Tanay, Rizal ay patay matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig baha habang sinusubukang tumawid sa ilog sa Brgy. San Jose, Antipolo City nitong Lunes ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, inupahan umano si Raymond ni “Mike”, 25, para sa pangongolekta ng bayad sa mga miyembro ng isang microfinance group. Habang tinatahak nila ang baha na abot-hita ang lalim, tumigil ang motorsiklo sa gitna ng baha kaya’t napilitan silang bumaba. Pagkababa nila, biglang lumakas ang agos ng tubig at tinangay silang dalawa.
Narescue si Mike sa tulong ng mga residente, pero si Raymond ay hindi na naisalba. Matapos ang ilang sandali, nakita rin siya ng mga responders mula barangay, ngunit wala na siyang buhay nang dalhin sa Cabading Hospital.