Ang Globe ay nag-aalok ng libreng unlimited calls, texts, at data para sa mga naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Crising at habagat. Inanunsyo ng kompanya noong Hulyo 22 na makakatanggap ang mga Globe Prepaid at TM subscribers ng free unli calls and texts to all networks, 100MB data para sa lahat ng apps, at dagdag na 100MB para sa Facebook, Viber, at iba pa. Valid ito sa loob ng isang araw.
Para naman sa mga gumagamit ng Globe at Home Prepaid WiFi, may 5GB free open data na valid ng tatlong araw. Ang mga GFiber Prepaid users sa mga apektadong lugar ay makakatanggap din ng tatlong araw na promo extension. Extended din ang payment due dates para sa Globe Postpaid at GFiber Postpaid customers para hindi na makadagdag sa kanilang alalahanin.
Inaanyayahan din ng Globe ang mga customers na gamitin ang kanilang Globe Rewards points para tumulong sa mga relief efforts tulad ng Ayala Foundation's Hapag Movement gamit ang GlobeOne app. Puwede rin mag-donate gamit ang GCash.
Ayon sa ulat ng NDRRMC, anim na katao ang nasawi dahil sa malalakas na pag-ulan. Umabot na sa 1,266,322 katao o 362,465 pamilya ang naapektuhan ng Crising at habagat.
Kung nais mong tumulong, narito ang mga community kitchen na nagbibigay ng pagkain sa mga nasalanta.