Ang isang lalaki sa China na kilala sa pangalang "Red Uncle" ay viral ngayon sa social media matapos umanong magpanggap na babae at makarelasyon ng halos 1,000 na kabataang lalaki sa loob ng tatlong taon. Nakilala siya sa tunay na pangalan na "Jiao," 38-anyos at sinasabing taga-Nanjing, China.
Ayon sa mga ulat, palihim siyang kumuha ng video habang may nangyayaring private moments sa kanyang mga biktima. Hindi lang ito basta panlilinlang—ibinenta rin niya online ang mga video kung saan kitang-kita ang mukha ng mga lalaking nabiktima niya.
Dahil dito, naaresto siya ng mga otoridad sa China. Lumabag siya sa batas ng bansa na nagbabawal sa pagpapakalat ng mga pribado at sensitibong videos ng ibang tao, lalo na kung ito ay tungkol sa sexual activities.
Naglabas ng babala ang local health office at nanawagan sa lahat ng posibleng nabiktima ni Red Uncle na agad magpakonsulta sa doktor. Posibleng may kumalat na sakit mula sa kanyang mga naging relasyon, kaya mahalagang magpatingin para sa kaligtasan.
Ang pangyayaring ito ay nagsilbing paalala sa publiko na maging maingat sa mga nakikilala online at huwag basta magtitiwala lalo na sa mga hindi pa lubos na kilala.