Ang Loop Earplugs at Tomorrowland ay muling nag-collab para maglabas ng bagong Loop Experience 2 earplugs. May dalawang bagong kulay ito na inspired ng 2025 festival theme na "Orbyz."
Ang bagong earplugs ay may 17 dB noise reduction, kaya malinaw pa rin ang tunog habang protektado ang pandinig. Idinisenyo ito para sa mga mahilig sumayaw sa mga event na tulad ng Tomorrowland—dance-proof at hindi madaling matanggal.

Available ang limited-edition earplugs sa kulay na “Holographic Ruby” at “Holographic Black”. Kasama rin sa package ang matching Loop Carry Case at ang bagong Tomorrowland x Loop Link connector cord.
Ayon kay Loop co-founder Dimitri O., ang pakikipagtulungan sa Tomorrowland ay tumutulong sa pagpapalaganap ng maingat na pakikinig sa musika, hindi lang sa Belgium kundi pati na sa Tomorrowland Brasil at Winter.
Makukuha na ang Tomorrowland x Loop Experience 2 earplugs sa Loop website at sa mismong event ng Tomorrowland.