Ang isang 54-anyos na lalaki ay inaresto sa Brgy. Hipodromo, Cebu City matapos magwala at magsisigaw sa kalye noong madaling araw ng Hulyo 15, 2025. Ayon sa CCTV footage, si Gino Omega ay lasing at agresibo habang nakikipagtalo sa kanyang kapatid.
May saksi rin na nagsabing si Omega ay naglabas at nagpaputok ng baril sa labas ng kanilang bahay. Hindi pa alam ang uri ng baril na ginamit. Wala rin itong nahanap ng mga pulis sa lugar.
Bandang 1:25 a.m., ini-report ang insidente sa Mabolo Police Station. Ayon kay Omega, nag-away sila ng kanyang kapatid at ito raw ang tumawag ng pulis para humingi ng tulong. Hindi na siya nagdetalye pa tungkol sa pinagmulan ng kanilang alitan.
Sinabi ng Mabolo police na kahit hindi magsasampa ng kaso ang kapatid ni Omega, makakaharap pa rin siya ng reklamong "alarm and scandal". Ang kasong ito ay may kaukulang parusa na hanggang 30 araw na pagkakakulong o multang aabot sa ₱40,000 base sa Republic Act No. 1196.
Si Omega ay nakadetine ngayon sa custodial facility ng Mabolo Police habang inaayos ang reklamo laban sa kanya.